Lamentation
Eto buhay ko paikot-ikot
Paliko-liko walang patutunguhan
Wala namang nangyari
Pasikot-sikot lang
High School Degree, Bachelor’s or Master’s
Wala namang katuturan
Life experience, work experience, honors, o extra curricular activity
Lahat napunta sa wala
First boyfriend, second boyfriend, at flings
Nakabaon sa nakaraan
Sa ngayon baon sa utang
Nakatira mag-isa
Kaylangan magpalit ng kotse,
At walang kabuhayan
Kaylan matatagpuan ang tinatawag nilang soulmate
O kailangan bang tuparin ang pangako noong nakaraan
Puwede bang patawarin ng Diyos and isang inutil na katulad ko
Mayroon bang pagasa sa taong kagaya ko.
0 shared:
Post a Comment